Wagi sa katangahan! Magandang gawing kwento sa “Maalaala Mo Kaya” ang mga karanasan mo. Lagi kang api. Lagi kang sinasaktan. Lagi kang niloloko. Pero naman, di natin sila masisisi. Isa kang kanunu-nunuan ng katanga-tangahan pagdating sa pag-ibig. You commit all the classic mistakes when it comes to romantic relationships, pwede kang maging “Exhibit A” on how to lose a guy/girl in ten days. Totoo, madalas kang magmahal. It seems that you’re in love with the concept of love, at feeling mo hindi ka mabubuhay ng walang minamahal o nagmamahal sa’yo, kaya madalas OA (over-acting) ka na sa mga relationships mo. Pero in the end, lagi ka pa din sawi sa pag-ibig. Bakit? Hindi na kami mag-aaksaya ng panahon na ipaliwanag sa’yo dahil hindi mo rin maiintindihan, eng-eng ka talaga. Advice lang ha: sa susunod na magpakalat ang Diyos ng “common sense” sa mundo, huwag ka na ulit magtago sa kuweba ha? Para mabahagian ka naman.
katangahan sa pagibig quiz ko on facebook. eto ang resulta. nakakatawa lang:))